Inatasan ng National Telecomunications Commission (NTC) ang mga telecommunications companies na magpalabas ng text blast bilang babala sa mga subscribers laban sa mga kumakalat na text scam.
Partikular ang mga galing umano sa mga bangko o kaya ay sa mga nakatanggap ng trabaho kahit hindi naman nag-apply.
Ayon sa NTC, simula Mayo 28 hanggang June 4 kailangang mag-blast ang mga telco ng text na nagbababala na huwag pumatol sa anumang text o mag-click ng anumang link.
Nitong mga nakalipas na araw, madaming mga telco subscribers ang nakakatanggap ng text blast na nagsasabing nagkaproblema ang account nila sa isang bangko at kailangang i-click ang ipinadalang link.
Natanggap rin sila ng text na nakatanggap sila ng trabaho na may suwelro na sampung libo isang araw at kailangan lamang i click ay link na nakapaloob sa ipinadalang text.
Sa June 28 ay pinagsusumite ng NTC ang mga kumpanyang Globe, Smart at DITO ng kanilang compliant report.