Philippine Embassy sa Bangladesh, may abiso sa mga Pinoy sa Sri Lanka sa harap ng economic crisis doon

46

Nag-abiso ang Philippine Embassy sa Dhaka, Bangladesh sa mga Pilipino sa Sri Lanka na nais nang umuwi ng Pilipinas.

Sa harap ito ng pagbagsak ng ekonomiya sa Sri Lanka.

Ayon sa Embahada, kailangan lamang makipag-ugnayan ng mga Pinoy sa Philippine Consulate General (PCG) sa Colombo, o di kaya sa Embahada sa Dhaka kung nais nilang sumailalim sa repatriation.


Nakahanda anila kasi ang Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) na magkasa ng repatriation para sa mga Pinoy na apektado ng pagbagsak ng ekonomiya ng Sri Lanka.

Una nang kinumpirma ng DFA na masusi nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy doon at sa ngayon ay wala pa naman daw OFWs ang humihiling ng repatriation.

Facebook Comments