Mga teritoryo ng Pilipinas, hindi dapat gawing kabayaran sa pagtanaw ng utang na loob sa China ayon sa isang Senador

Muling iginiit ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa gitna ng patuloy na pang-aangkin ng China sa mga isla na kabilang sa Exclusive Ecomic Zone (EEZ) ng bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay Lacson, sinabi nito na bagama’t hindi maiwasan ang pagtanaw ng utang na loob sa China dahil sa mga donasyon nitong bakuna, hindi pa rin dapat ito gawing dahilan upang tuluyang ipaubaya ang mga teritoryo.

Nangangailangan din ito ng suporta mula sa mga Pilipino upang maipabatid na hindi tayo basta-bastang malalamangan ng China.


Sa ngayon, sinabi ni Lacson na nagpahayag na ng kahandaan ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pigilan ang China ngunit naghihintay na lamang ito ng Go signal mula sa pamahalaan.

Facebook Comments