Nakahanda na ang mga terminal ng bus at pantala sa pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila ngayong araw matapos ang long weekend holiday at pagsalubong ng Bagong Taon.
Sinabi ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX, inaasahan nila ang 150,000 hanggang 170,000 na pasahero na gagamit ng terminal ngayong araw.
Kahapon, nasa 123,000 lamang ang naitalang pasahero kahapon sa PITX, mas mababa sa average nilang 140,000 hanggang 150,000 passengers.
Samantala, nakapagtala na ang Philippine Coast Guard ng higit 20,000 bumiyahe sa mga pantala sa buong bansa.
Batay sa datos ng PCG as of 6AM, nasa 25,482 na ang bilang ng mga bumiyahe sa pantalan.
Sa naturang bilang, 13,542 ang outbound passengers habang 12,040 ang inbound passengers.
Patuloy namang nakabantay ang PCG sa lahat ng pantalan sa bansa habang nasa ‘heightened alert’ pa rin ang kanilang tanggapan hanggang January 7, 2023.