Naranasang aberya sa flight operations ng mga paliparan sa bansa nitong New Year, pinaiimbestigahan ng Senado

Nais paimbestigahan ni Senator Grace Poe ang naranasang aberya sa flight operations ng bansa dahil sa technical glitch ng Air Traffic Management System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay Poe, isa itong national security concern dahil libu-libong Pilipino ang dumedepende sa aviation industry.

Sa ngayon, bibigyan muna ng mambabatas ng oras na ayusin ng mga kinauukulan ang flight operations sa bansa bago ito magpapatawag ng Senate hearing.


Pinasusumite niya ang mga otoridad ng ulat hinggilsa naransang glitch at power outage upang malaman kung sino ang dapat managot at ano ang dapat gawin upang hindi na maulit ang naturang insidente.

Facebook Comments