Mga testigo sa extra-judicial killings, pinalalantad ng DOJ

Hinimok ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla ang mga testigo sa sinasabing Extra-Judicial Killings (EJK) sa bansa na lumabas at makipatulungan sa pamahalaan.

Ayon kay Remulla, handa silang bigyan ng proteksyon ang mga testigo at handa silang makinig para gumulong ang kaso.

Aniya, ang imbestigasyon sa mga sinasabing biktima ng drug war noong nakaraang administrasyon ay pinagpapatuloy ng DOJ, subalit ang kakulangan sa mga testigo ang malaking balakid sa pag-usad ng mga kaso.


Sa kabila nito, tiniyak ni Remulla na hindi sila tumitigil sa kanilang pagsusuri sa mga kaso ng biktima ng EJK sa bansa.

Facebook Comments