Senator Alan Peter Cayetano, nagpositibo sa COVID-19

96

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagpositibo sa sakit na COVID-19 si Senator Alan Peter Cayetano.

Inihayag ito ni Zubiri sa gitna ng sesyon sa Senado para malaman din ng mga maaaring maghanap kay Cayetano.

Ayon kay Zubiri, pinagdarasal nila ang paggaling ni Cayetano.


Umaasa naman si Senate Majority Leader Joel Villanueva na sana ay “false positive” lang si Cayetano.

Samantala, kahapon naman ay virtual lang ang pagdalo ni Senator Chiz Escudero matapos na ma-expose sa isang COVID-19 positive.

Agad namang nag-isolate si Escudero bilang pag-iingat at magpapa-COVID test aniya siya makalipas ang dalawang araw.



Facebook Comments