Wednesday, February 11, 2026

Mga text messages sa pagitan ni PBBM at ni Usec. Adrian Bersamin ukol sa “kickback” kasama sa mga ebidensyang ipiprisinta kung nagpatuloy ang impeachment process laban sa pangulo

Inihayag ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na kung hindi nabasura ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay nailatag sana nila ang matitibay na mga ebidensya laban sa pangulo.

Pangunahing tinukoy ni Tinio ang mga text messages sa pagitan ni PBBM at ni dating Presidential Legislative Liaison Office Usec. Adrian Bersamin patungkol sa “kickbacks” sa flood control scandal.

Inihalimbawa ni Tinio ang palitan ng text messages ni President Marcos at Bersamin ukol sa umano’y delivery ng P8 billion mula kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo.

Binanggit ni Tinio na maraming mga mambabatas ang nakakaalam sa naturang palitan ng text messages nina Pangulong Marcos at Bersamin at isa umano si Batangas Rep. Leandro Leviste sa mga “source” nito.

Kaya naman sabi ni Tinio, ay si Leviste ang dapat na magsapubliko nito dahil siya ang makakapagpaliwanag kung paano niya ito nakuha.

Facebook Comments