Muling tumaas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 232,072 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 3,714.
Sa nasabing bilang, 67,786 ang aktibong kaso.
Nasa 90.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild, 6.9 porsyento ang asymptomatic, 0.9 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 93 out of 113 licensed laboratories.
Nadagdagan naman ng 49 ang mga nasawi na umakyat na sa 3,737.
Umabot naman sa 1,088 ang gumaling pa na mayroon ng kabuuang 160,549.
Samantala, pumalo naman sa 10,113 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng virus matapos madagdagan ng 18 na bagong kaso.
Aabot naman sa 6,275 overseas Filipino ang mga gumaling habang 757 ang mga nasawi.