DOH, hindi pa masabi kung bumaba na ang trend ng COVID-19 cases sa bansa

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakatutok sila sa pagbaba ng naitatalang trend ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa ng isang linggo para masabing bumababa na talaga ang COVID-19 cases sa bansa.

Aniya, tinitingnan din nila ang mga report galing sa mga laboratory at ilang mga factors ng pagbaba ng kaso sa bansa.


Facebook Comments