Mga tindahang nagpapataw ng mataas na presyo sa mga school supplies, pinaalalahan

Manila, Philippines – Sinuyod ng QC Market Development and Administration o MDAD katuwang ang mga tauhan ng DTI ang Mega Q-Mart upang inspeksyunin kung mayroong paglabag sa presyo ng mga school supplies sa Quezon City.

Ayon kay MDAD Chief Malou Arrieta, 13 mga stall owner ang kanilang pinagsabihan sa sobra ang sinisingil sa mga consumers partikular na sa mga school supplies.

Paliwanag ni Arrietam inoobliga nila ang mga stall owner na maglagay ng tag sa kanilang mga panindang school supplies at iba upang malaman ng mga mamimili ang presyo nito.


Pinaalalahanan din nila ang mga negosyante na mahigpit ang kanilang mga tagubilin sa mga ito dahil mayroon ng ordinansa na pinagbabawal na magbenta ng mga junk food at iba pang pagkain at inumin sa mga estudyante sa loob ng isang daang metrong layo mula sa pampublikong paaralan sa QC.
DZXL558

Facebook Comments