PAGCOR, kinastigo ng liderato ng Senado dahil sa mahinang security arrangements sa Resorts World

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Senate President Koko Pimentel ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kung paano nakalusot ang mahinang latag ng security measure sa Resorts World Manila.

Tanong ni Senator Pimentel sa PAGCOR, gaming operations lang ba ang tinitinginan ng PAGCOR at wala ba itong pakialam sa security arrangement at fire safety measure ng mga casino na pinapahintulutan nitong mag-operate?

Tanong ni Senator Pimentel, paano nangyari na napakadaling nakapasok sa Resorts World ang isang lalaking armado na nagnakaw at nagsunog pa.


Nagtataka din si Pimentel kung paano agad na napasakamay ng nag-iisang supsek ang milyun milyong piso na halaga ng chips.

Pati ang fire safety measures ng Resorts World ay kinuwestyon din ni Pimentel dahil sa naging mabilis na pagkalat ng apoy kaya karamihan sa 36 na nasawi ay dahil sa paglanghap ng usok.
DZXL558

Facebook Comments