Mga tindero sa Pasig Mega Market kanya-kanyang diskarte sa pagtitinda ng baboy

Dahil mahigit 1 buwan nang mahina ang bentahan ng karneng baboy dahil pa rin sa isyu ng African swine fever o ASF, kanya-kanyang diskarte na ang ginagawa ng mga tinder at tindera para makaubos ng paninda.

Sa Pasig Mega Market, patok ang mga processed meat gaya ng longganisa at tocino.

Bagaman dati nang ginagawa, sinabi ng mga nakapanayam ng Super Radyo DZBB, na dumoble ang produksyon nila ng longganisa at tocino dahil maraming karneng baboy ang hindi nila nabebenta.


Sa ngayon, P100 hanggang P120 kada kilo ang bentahan ng skinless longganisa, habang P180 hanggang P200 ang kada kilo ng tocino.

Ang iba naman, ginagawang frozen meat ang natitirang tinda na mabenta pa rin sa mga nagtitipid na mamimili.

P130 kada kilo lang kasi ang bentahan nito.

Muli namang nanawagan ang mga nagtitinda sa publiko na huwag matakot dahil ligtas namang kainin ang mga baboy basta at suriin lamang ng husto at aprubado ng NMIS.

Facebook Comments