Mga tiwaling barangay official, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tiwaling opisyal ng barangay kaugnay sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, kakasuhan niya ng malversation of public funds ang mga barangay officials na nilulustay lamang ang kaban ng bayan.

Nabatid na patuloy kasing nakakatanggap ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga reklamo kaugnay sa pamamahagi ng SAP.


Sa ulat ng DILG, nasa 155 mga opisyal ng barangay ang iniimbestigahan kaugnay ng katiwalian sa emergency subsidy.

Samantala, tiniyak naman ni DILG Secretary Eduardo Año na uunahin nito sa pamamahagi ng second tranche ng SAP ang limang (5) milyong katao na hindi nabahaginan sa unang bugso ng pamamahagi nito.

Inaasahang magiging madali ang pamamahagi ng ikalawang bugso dahil karamihan ay isasagawa sa pamamagitan ng ATM payment scheme.

Facebook Comments