Mga tiwaling pulis, dapat sibakin sa halip na ipadala sa Mindanao

Mindanao – Sinuportahan ni Senator Bam Aquino ang panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Philippine National Police (PNP) na pag-aralan ang patakaran nitong pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa Mindanao.

Kasunod ito ng ginawang pagpapatapon ni PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa sa Marawi ng dalawang pulis-Mandaluyong na nakunan ng video na pinapalo ng yantok ang dalawang lalaki na kanilang hinuli dahil sa pag-inom sa sidewalk.

Giit ni Aquino sa liderato ng PNP, sibakin ang mga tiwaling pulis sa halip na ipadala sa Mindanao.


Nakakabawas aniya ng tiwala ng taongbayan sa Pambansang Pulisya ang nabanggit na hakbang ng liderato ng PNP.

Katwiran ni Aquino, napakahalaga na may tiwala ang tao sa pulis, lalong lalo na sa Mindanao kung saan may Martial Law at banta ng terorismo.

“Filipinos deserve an upstanding police force. Delinquent cops should be fired, not just reassigned and sent to Mindanao,” wika ni Senator Bam Aquino.

Facebook Comments