Mga toll operators, nagkasundo na sa interoperability ng mga RFID stickers

Lumagda na sa kasunduan ang dalawang toll operators na maaaring gamitin na ang magkaibang Radio-Frequency Identification (RFID) sa lahat ng expressway sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, matapos magkasundo ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), operator ng North Luzon Expressway (NLEX), SCTEX at CaviTEX l, C-5 SouthLink at Cavite-Laguna Expressway at San Miguel Corporation (SMC) na operator naman ng SLEX, Skyway, TPLEX, Star Tollway, NAIA Expressway at Muntinlupa Cavite Expressway (MCX).

Base sa nilalaman ng kasunduan, pwedeng gamitin ang RFID na Easytrip ng MPTC sa mga expressway na hawak ng SMC habang ang kanilang Autosweep naman ay maaaring gamitin sa mga expressway.


Ginawa ng DOTr ang kasunduan na ito matapos ireklamo ng mga motorista na dobleng pahirap sa kanila ang pagpapakabit ng magkaibang RFID stickers sa magkakahiwalay na expressway.

Bubuo rin ng komite ang DOTr para bantayan o pag-aralan ang ang read rate percentage ng dalawang kompanya sa isasagawang test transactions sa 14 na araw para sa limampu’t limang sasakyan.

Facebook Comments