Mga tore ng NGCP na naapektuhan ng Lindol, naayos na!

Nagdulot ng kasiraan sa Kidapawan Substation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang sunod-sunod na mga pagyanig na naranasan sa ilang bahagi ng North Cotabato.

Ayon kay Michael Ligalig, Regional Communication and Public Affairs Senior Specialist ng NGCP, lubos na nakaa-apekto sa Kidapawan Substation nila ang magnitude 6.7 na lindol noong October 31 na tumama sa Tulunan, North Cotabato sa nagging panayam ng DXMY.

Bunsod nito, dinis-connect ng NGCP ang Mt. Apo Geothermal Power Plant (MAGPP) at ang COTELCO main na direktang naka-connect sa Kidapawan substation at pina-connect o pinakuha ng power supply ng NGCP sa Tacurong substation nito.


Inasahan ng NGCP na aabutin pa ng isang buwan o hanggang sa November 17 pa nila maaayos lahat ng kasiraan sa kanilang pasilidad sa Barangay Ilomavis, Kidapawan city.
Subalit sinabi ni Ligalig na nito pa lamang Novemeber 12 ay naayos na nila ang damages.
Nagawa nang i-energize ng NGCP ang Kidapawan Substation aT Kidapawan-Matan-138kV Line 1 and 2.

NGCP File Pic

Facebook Comments