Mga tourism-related establishment, pinaghahanda sa matagal-tagal na pagbangon dahil sa epekto ng pandemya

Pinaghahanda ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel ang lahat ng tourism-related establisments sa buong bansa dahil sa posibilidad ng matagal na pagbangon ng industriya.

Partikular na pinaghahanda ng kongresista ang mga tourism-related establishments and businesses na nakadepende sa mga foreigner visitor.

Ayon kay Pimentel, nasa sitwasyon ngayon ang bansa na kung saan 49 na airports nationwide ang mag-o-operate sa mas mababa na kapasidad sa matagal na panahon.


Malabo rin aniyang asahan sa ngayon ang pagbabalik ng international air travel at kahit ang domestic travel ay posibleng matagalan pa bago makabawi.

Sa pagtaya ng mambabatas, maraming pamilyang Pilipino ang iiwasan muna ang lokal na pagbiyahe sa himpapawid hanggang sa magkaroon na ng COVID-19 vaccine.

Nauna nang inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na 16 na airports pa sa Pilipinas ang sarado pa ang commercial flights.

Facebook Comments