Nagpapatuloy sa pamamasada ang mga traditional jeepneys sa lungsod ng Dagupan sa kabila ng pagtaas na naman ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang mga tradisyunal na pampasaherong jeep ay nagpapatuloy sa operasyon, hindi gaya ng ilang mga modernized jeep na tumigil dahil nga sa pagtaas ng presyo sa gasolina.
Matatandaang epektibo noong January 31 ngayong taon ang itinaas muli ng presyo ng mga produktong gasolina na inarayan ng ilang mga tsuper at motorista.
Wala pang petsa kung kailan muli magkakaroon ng rollback sa mga oil prices.
Samantala, ang samahang AUTOPRO Pangasinan ay nakikipag-ugnayan sa Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB ukol sa maaaring maging tulong o aksyon sa transport sector. | ifmnews
Facebook Comments