DA, muling tiniyak na walang masasayang na agriculture commodities sa bansa

Muling siniguro ng Department of Agriculture (DA) na walang masasayang na agriculture commodities sa ating bansa.

Ito’y sa kabila ng kumalat sa social media na tinapon lamang ang nasa 500 kilo ng kamatis sa isang bakanteng lote sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa isang pahayag, sinabi ng DA na papalakasin nila ang kampanya upang hindi na masayang ng mga naturang agri products.


Kaugnay nito, makikipag-ugnayan sila sa mga local market upang ibenta na lamang sa mga pamilihan ang mga hindi pumasa sa standards ng mga manufacturer o di kaya’y sa mga Kadiwa markets ibenta ang mga ito.

Facebook Comments