Mga transaksyon sa ilalim ng GSIS Financial Assistance Loan, tuloy na muli

Ipagpapatuloy muli ng State pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang mga transaksyon sa ilalim ng GSIS Financial Assistance Loan (GFAL).

Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet, tatanggap na muli sila ng mga aplikasyon sa pamamagitan ng email o drop box.

Ang contactless method na ito ay bilang gabay na rin sa kanilang mga nangangailangan ng tulong-pinansiyal na may opsyong hindi na kailangang lumabas ng bahay.


Sa ilalim ng GFAL, babayaran ng GSIS ang balance ng kanilang mga kwalipikadong miyembro hanggang sa pinakamataas na halagang 500,000 pesos.

Bilang balik, babayaran naman ng miyembro ang GSIS sa mas mababang monthly amortization at interest rate na 6 percent kada taon hanggang anim na taon.

Pero kapag mababa sa 500,000 pesos ang loan ng nasabing miyembro, maaari niyang hiramin ang natitirang halaga bilang Top Up Loan at mapupunta sa kaniyang UMID o eCard ang deposito.

Una nang sinuspinde ang aplikasyon at proseso ng GFAL noong March 14 dahil sa COVID-19 pandemic.

Para sa iba pang karagdagang impormasyon, bumisita lang sa GSIS website, www.gsis.gov.ph, o sa official Facebook account nito na, gsis.ph at gsis.gov.ph.

Facebook Comments