Naguilian, Isabela- Matapos tipunin at lektyuran ni COP Francisco Dayag ang mga traysikel drayber, inaasahan umano ang pagtugon ng mga ito sa panawagan ng lokal na pamahalaan at ng PNP Nagulian ukol sa implementasyon sa pagrerenew ng kanilang operators permit.
Ito ang ibinahaging ni COP Dayag sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News Team ngayong araw, Pebrero 06, 2018.
Aniya, tinatayang nasa mahigit kumulang 120 traysikel draybers pa ang hindi nakakapagpa-renew ng kanilang permit.
Binalaan ni COP Dayag ang mga naturang drayber na pagmumultahin at papatawan ng kaukulang parusa kung mahuhuli ng mga pulis.
Binigyang pansin din ang mga traysikel na may mauusok na tambutso na isa umano sa nagiging dahilan ng paglala ng polusyon sa hangin.
Nakatakda naman nilang sirain ang mga nakumpiskang mauusok na tambutso upang hindi na muling magamit pa.
Inaasahan ngayon ng PNP Nagulian ang kooperasyon ng bawat drayber at operators sa alituntuning ipinatutupad sa munisipalidad.