Mga tricycle driver sa Pasig, nanawagan sa gobyerno na gawin nang 50% kanilang passenger capacity

Gawin nang 50% passenger capacity sa mga tricycle na bumibiyahe sa lungsod ng Pasig.

Ito ang hirit ngayon ng mga grupo ng tricycle driver sa nasabing lungsod.

Ayon kay Ricky Mahinay, presidente ng Maybunga-Floodway Tricycle Drivers’ Association, ngayon na nasa Alert Level 2 na ng COVID-19 restriction status ang Metro Manila, nasa 30% o katumbas ito ng dalawang pasahero ang pwede nilang isakay.


Nais sana nila aniya na gawin na itong 50 percent o katumbas ito ng tatlong pasahero.

Kung magiging 50 percent na aniya ang kanilang pasahero, mas bababa ang pasahe.

Maliban dito, madadagdagan din aniya ang kanilang kita.

Paliwanag niya na sa 50% magiging ₱20 na lang kada tao ang pamasahe kumpara ngayon na nasa ₱25.

Facebook Comments