Mga tricycle sa San Juan City, aarangkada na ngayong araw

Balik-pasada na ang mga tricycle sa lungsod ng San Juan ngayong araw matapos itong payagan ng lokal na pamahalaan na makapagbiyahe.

Dahil dito, nagpatupad ng mga panuntunan ang lungsod para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero at mga driver mula sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, nagpatupad din sila ng ₱15 minimum fare per solo trip upang matiyak na walang mananamantalang tricycle drivers sa kanilang mga pasahero.


Aniya, kasama rin sa mga panuntunan ang pagdadala ng health clearance at travel pass ng mga tricycle driver habang bumibiyahe ito.

Dapat din aniya parating magsuot ng face mask ang mga driver at pasahero at ugaliing magdala ng alcohol o sanitizer ang tricycle drivers.

Samantala, ang lungsod ng San Juan ay mayroong 312 na kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, kung saan 43 rito ay nasawi at 144 naman ang mga nakarekober na mula sa sakit na dulot ng virus.

Nasa 10 ang bilang ng suspected cases at dalawa naman ang probable cases sa lungsod.

Facebook Comments