Mga truck ng Maynilad at Manila Water, hindi sakop ng number coding scheme – MMDA

38

Hindi muna sakop ng number coding scheme ang mga truck ng Maynilad at Manila Water dahil sa pagrarasyon ng tubig sa mga apektado ng “water crisis”.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Chief of Staff Michael Salalima – pansamantala lamang ito para maserbisyuhan ang mga lugar na walang supply ng tubig.

Dagdag pa ni Salalima – nagpalabas na din sila ng mga truck para maserbisyuhan ang mga nawalan ng supply ng tubig at tulungan ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong at Pasig.

Tuloy-tuloy din ang monitoring at pagtulong ng MMDA sa mga lugar na nangangailangan ng tubig.

Facebook Comments