Ronnie Ricketts, hinatulang guilty sa kasong graft

395

Hinatulang “guilty” ng Sandiganbayan Fourth Division si dating Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts, kahapon.

Ito ay matapos ang kanilang ginawang raid sa Sky High Marketing Corporation sa Quiapo, Maynila noong Mayo 27, 2010.

Kinumpiska ng OMB ang aabot sa 127 kahon at dalawang sako ng pirated DVDs at VCDs at dinala sa opisina ng OMB pero kinagabihan ay inilabas ang mga ito kahit walang approved gate pass.

Kaya ito ang naging basehan ng Sandiganbayan para mahatulang “guilty” ang aktor.

Nahaharap sa anim hanggang walong taong pagkabilanggo at “perpetual disqualification from holding public office” o hindi na maaaring makahawak sa anumang posisyon sa gobyerno si Ricketts.

Facebook Comments