Mga Truckers At Brokers Na Kontra Tabs, Patuloy Ang Kilos Protesta

3

MANILA – Sa pagpapatuloy ng laban ng mga truckers konytra TABS, Nakatanggap ng suporta mula sa Customs Broker Council of the Philippines ang mga truckers at brokers ng Aduana Business Club na una nang nagpahayag ng kanilang pagtutol laban sa Terminal Appointment Booking System.Tinatayang nasa anim napu hanggang pitompung truck ang sasama sa kanilang isinasagawang kilos protesta na nagumpisa sa tapat ng Manila Hotel, na pupuntang Philippine Ports Authority at didirecho hanggang Bureau of Customs.Panawagan ngayon ng mga truckers, agarang pagpapahinto ng TABS, at implementasyon ng totoong booking system kung saan walang charges at walang bayarin.Kagaya ng unang araw nila sa pagsasagawa ng kilos protesta asahan na raw na walang entry o kahit ano mang transaksyon ang mga truck bilang bahagi ng kanilang Truck holiday.

Facebook Comments