Mmda Tutok Sa Paglilinis Ng Mga Estero Ngayong Summer

48

MANILA – Nagpapatuloy ang Estero Blitz Project ng MMDA o yung pagtatanggal ng basura mula sa mga estero, partikular sa Estero de San Miguel, Quiapo Maynila.Ayon kay Rustico Obong, dispatcher ng MMDA trucks, mula kaninang alas siyete hanggang sa mga oras na ito ay naka kolekta na sila ng anim na truck ng basura.Karaniwan sa mga nakukuha nilang basura ay mga water lilies, tetra packs at Styrofoam simula pa noong Huwebes at hindi aniya sila titigil hanggat di nauubos ang basura sa naturang estero.Matatandaang taong 2010 ng simulan ng MMDA ang proyektong ito at taon taong isinasagawa sa buong NCR kasabay ng pagpasok ng Summer Season o bago pumasok ang tagulan upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang mga napapanahong sakit.

Facebook Comments