Mga tsuper ng pampasaherong jeep na naniningil ng sobrang pasahe, maaaring pagmultahin – LTFRB

Pagmumultahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper ng pampasaherong jeep na naniningil ng sobrang pasahe.

Ayon kay LTFRB Deputy Director Kristina Casion, nananatili pa rin sa P9.00 ang minimum na pasahe sa jeep kaya maituturing na overcharging kapag naniningil ang mga ito ng higit sa P9.00.

Nasa ₱5,000 hanggang ₱15,000 ang multa at posible ring suspendihin o mabawian ng prangkisa ang mga tsuper na lalabag dito.


Kasunod nito ay pinayuhan ni Casion ang mga pasahero na agad na ipadala sa LTFRB ang plaka at case number ng mga jeep na maniningil ng sobrang pasahe upang mapadalhan ng show cause order ang tsuper nito.

Samantala,sinabi naman ni Casion na may kulang pang mga dokumento ang mga petitioner kaya hindi pa napagdidesisyunan ng LTFRB ang hirit na dagdag pasahe.

Facebook Comments