CAUAYAN CITY SPORTS COMPLEX, HANDA NA SAKALING MATULOY ANG CAVRAA NGAYONG TAON

Cauayan City, Isabela- Nakahanda na ang Cauayan City Sports Complex kung sakaling matuloy ang Cagayan Valley Regional Athletic Association o 2022 CAVRAA sa buwan ng Abril.

Kinumpirma ito ni Cauayan City Mayor Bernard Dy na kung saan simula kasi noong magkapandemya ay walang naganap na CAVRAA.

Matatandaan na sinuspinde ang CAVRAA at iba pang Palaro noong taong 2020 dahil sa COVID-19 Pandemic.

Ayon sa alkalde, handang-handang na at maaari nang gamitin para sa CAVRAA 2022 ang Cauayan Sports Complex dahil natapos naman na aniya ito. Handa na rin aniya ang lokal na pamahalaan ng Cauayan na pangunahan ang nasabing palaro matapos tanggapin ang pagho- host sa nasabing palaro.

Pero, nilinaw ni City Mayor Dy na wala pang kasiguraduhan na matutuloy na sa ikalawang Linggo ng Abril ang CAVRAA dahil depende pa rin aniya ito sa magiging Alert Level ng Probinsya.

Facebook Comments