Mga tsuper ng pampasaherong sasakyan, dismayado sa ikalawang sunod na linggo ng dagdag presyo ng produktong petrolyo

Tapos na ang Semana Santa pero may penitensya pa rin ang mga motorista dahil epektibo na ngayong araw ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo na P2.60 sa kada litro ng gasolina at P1.70 naman sa kada litro ng diesel.

Ayon sa mga driver, dismayado sila sa ikalawang sunod na linggo na malaki ang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.

Tiyak kasing mababawasan na naman ang kanilang kita.


Paliwanag pa ng mga driver, matumal ang biyahe ngayon at marami silang kalaban sa biyahe tulad na lang ng mga ride hailing app.

Kaniya kaniyang diskarte ang mga tsuper kung saan, maagang nagpakarga ang ilang driver bago pa ang pagpapatatupad ng oil price hike.

Nabatid na ang Saudi Arabia at mga miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC ay nag-anunsyo ng production cut ng 1.16 million barrels per day para sa stability o pagpapapatatag ng merkado.

Facebook Comments