Wala pa ring paggalaw na mangyayari sa mga departmento na pinamumunuan ng Officer in Charge o OIC.
Ito ay ang pinuno ng mga ahensiya gaya ng Department of Health (DOH) at ng Department of National Defense o DND.
Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kadiwa ng Pasko sa Lungsod ng Quezon ay sinabi nitong maligaya naman siya sa pagtatrabaho ng mga nangunguna sa nabanggit na ahensiya.
Pababayaan lang aniya niya na magtrabaho ang mga kinauukulan gaya ni DOH Undersecretary OIC Maria Rosario – Vergerie lalo na’t hindi pa rin naman nawawala ang pandemya.
Sinabi pa ng pangulo, masaya siya sa sitwasyon sa Defense Department sa pangunguna ni Retired General Jose Faustino.
Ang importante, ayon sa presidente ay nagagawa ang trabaho at ito naman aniya ang kaniyang nakikita sa mga OIC na nakatalaga sa ilang kagawaran.