Kasong isasampa laban sa 2 suspek na sangkot sa pagdukot ng sabungero sa Laguna, inihahanda na ng PNP

Inihahanda na ng Philippine National Police-Criminal Investigation & Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kidnapping laban sa dalawang suspek na nakita sa “secret cellphone video” na sangkot sa pagdukot sa isang sabungero sa Laguna.

Ayon sa PNP-CIDG, isasampa nila ang naturang kaso laban sa isang alyas Dondon at isa pang lalake sa Department of Justice.

Nangangalap na lamang sa ngayon ang CIDG ng mga karagdagang ebidensya laban sa dalawang suspek.


Dahil sa video, natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na positibong kinilala ng kaniyang asawa at kapatid na si Michael Bautista.

Kinuhanan na rin ng salaysay ng CIDG ang asawa at kapatid ni Bautista upang maidagdag sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Samantala, hindi pa makumpirma sa ngayon kung ang dalawang suspek na nakunan sa video ay mga pulis pero posible ayon sa CIDG na kasama ang mga ito sa organized crime group.



Facebook Comments