Naniniwala si Vice President Leni Robredo na kailangang magbigay ng inspirasyon ang mga tunay na lider sa kanilang mga taga-suporta na gumawa ng kabutihan at hindi ang kabaligtaran nito, lalo na at kinaharap ng bansa ang iba’t ibang unos.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang ugali ng taga-sunod ng ilang public officials na nagpapakalat ng kasinungalingan at maling impormasyon ay sumasalamin din sa uri ng pamumuno nito.
“Kapag nai-inspire mo iyong tao na maging sinungaling, kapag nai-inspire mo iyong tao na lahat kabastusan iyong lumalabas sa bibig, reflection iyon sa iyo,” ani Robredo.
Nitong mga nagdaang linggo, patuloy na itinatama ni Robredo ang mga trolls na nagpapakalat ng fake news at mga nagbabanta sa kanya at sa kanyang pamilya sa social media platforms.
Bago ito, nagbabala siya sa mga netizens sa isang pekeng Facebook account na ginagamit ang pangalan ng kanyang anak na si Tricia na nagpapakalat ng hate messages online.
Tingin ng Bise Presidente, may ilang public officials ang nasa likod ng disinformation campaign.
Hindi rin naniniwala si Robredo sa “Messianic complex” sa public officials.