COVID-19 recovery rate, nasa 92.7% – DOH

58

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na 92.7% ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa ang gumaling na.

Sa datos ng DOH, aabot na sa 398,624 ang COVID survivors.


Mula sa kabuoang kaso na 429,864, nasa 22,867 ang active cases o mga sumasailalim sa treatment.

Sa bilang ng active cases, 82.9% ang mild, 7.4% ang asymptomatic, 3.2% ang severe, 6.1% ang critical condition habang 0.34 ang moderate.

Ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso na may 137 infections, kasunod ang Laguna na nasa 122, Cavite na nasa 103, Batangas na may 96, at Angeles City na may 79.

Facebook Comments