Mga turista, hinikayat na magpa-booster shot sa probinsya

Hinikayat ni National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa ang mga bibiyahe sa mga probinsya sa mga susunod na araw na wala pang booster shots na samantalahin ang bakasyon para makuha ito.

Ayon kay Herbosa, hindi dahilan ang pagbabakasyon upang kaligtaan ang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Sapat naman aniya ang suplay ng bakuna sa bansa at maaari nang makatanggap nito kahit saan sa bansa.


Dagdag ng doktor, hindi dapat makampante lalo’t dumarami ang mga pagtatapon dahil sa mga religious event gaya ng Semana Santa at Ramadan, at ang kampanya para sa Halalan 2022.

Ayon kay Herbosa, bumagal ang pamamahagi ng bakuna sa bansa, lalo ang boosters.

Nananatiling mahigit 12 milyon lang ang nakakuha ng booster shot sa bansa, kumpara sa higit 66.5 milyon na tala ng mga fully vaccinated.

Ani Herbosa, nakampante ang maraming Pilipino lalo noong ibinaba sa Alert Level 1 ang maraming lugar sa bansa at bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments