Manila, Philippines – Apektado na ng banta ng Abu Sayyaf sa Bohol ang pananatili ng mga turista doon.
Sa katunayan, ilang bakasyunista ang umamin na iniklian nila ang kanilang bakasyon sa Bohol dahil sa takot sa ASG.
Hindi naman masabi sa ngayon ng Bohol Tourism Office kung gaano na karami ang nagkansela ng booking matapos maglabas ng travel advisory ang Amerika, Canada, United Kingdom, South Korea at New Zeland.
Pero sabi naman ni Tourism Usec. Katherine De Castro – fully booked pa rin naman sa ngayon ang mga hotel and resorts sa bayan ng Panglao at Tagbilaran.
Muli namang tiniyak ni Bohol Governor Edgardo Chatto na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa seguridad lalo na sa mga lugar na dinadayo ng mga turista at sa venue ng pagdarausan ng ASEAN meeting.
Nation