“Walang dapat ipag-alala ang mga turista”
Ito ang sinabi ng Philippine National Police Region 1 ukol sa pangamba umano ng ilang turista matapos ang sunod-sunod na krimen sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PTCOL Mary Crystal B. Peralta, Chief, Regional Public Office ng PNP Region 1, napapanatili ng pambansang kapulisan ang peace and order hindi lamang sa Pangasinan kundi sa buong Region 1.
Ito ang pagsisigurado ni Peralta matapos ang nangyaring pananambang kay dating Governor Amado Espino Jr sa San Carlos City at nasundan pa ng pananaga sa isang Transgender sa Bolinao Pangasinan.
Nanatiling generally peaceful ang lalwigan ng Pangasinan at ginagawa lahat ng ahensya ang kanilang makakaya upang maresolba agad ang mga krimen at maprotekatahan ang mga residente at turista na bibisita sa Pangasinan.
Samantala, nakiusap din si Peralta sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya na labanan ang krimen.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>
Mga Turista walang dapat ikabahala ukol sa umano’y mga krimen na nararanasan sa Pangasinan
Facebook Comments