Mga turistang Chinese, inaasahang magbabalik sa Pilipinas

Inaasahan na ang libo-libong turistang darating sa Pilipinas.

Ito ay matapos na luwagan at mapayagan ng China ang kanilang mamamayan na bumiyahe sa ibang bansa.

Sa binigay na payahag ni Ina Zara Loyola, ang tagapagsalita ng Department of Tourism (DOT) ay gaya ng ibang turista, hindi na kinakailangan na isalang sa COVID-19 test lalo na ‘yung mga fully vaccinated, habang ang mga hindi pa bakunado o hindi pa nakakakumpleto ay dapat sumailalim sa nasabing test.


Nabatid na ang Pilipinas ay kabilang sa 20 bansa na mapayagan na mapuntahan ng kanilang mga residente.

Samantala, sa tala ng DOT noong taong 2019, umabot sa 8.26 milyon na turista ang nakadalo o pumasok sa ating bansa.

Sa bilang na nakuha ay mas marami ang mga Chinese tourist na umabot halos 1.7 milyon.

Facebook Comments