Nawawalang Cessna plane sa Isabela, hindi pa rin matagpuan

Hindi pa rin matagpuan ang nawawalang Cessna plane sa Isabela.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), pahirapan pa rin ang paghahanap ng rescuers dahil sa masamang panahon sa lugar.

Sa ngayon ay nananatiling search and rescue operations ang ginagawa ng mga awtoridad at hindi search and recovery operations.


Umaasa naman ang pamilya ng 6 na sakay ng eroplano na ligtas ang kanilang kaanak.

Kabilang sa mga sakay ng nawawalang Cessna plane ay ang pilotong si Capt. Eleazar Mark Joven at mga pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra at Josefa Perla Espana.

Nabatid na papunta sana ang mga ito sa lamay ng kanilang kaanak sa Maconacon, Isabela subalit hanggang ngayon ay wala pa sila sa lugar.

Facebook Comments