Kumpiyansa ang pamahalaan na aabot sa mahigit 4.8-million na mga turista ang dadagsa sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taong ito.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), mga turistang Koryano ang nangunguna sa pinakamaraming bilang ng mga turistang dumadating sa bansa.
Sumunod dito ang mga turista mula sa United States of America (U.S.A.), sumunod ang Japan, China, at Australia.
Kinumpirma ng DOT, na patuloy din ang pagdagsa sa bansa ng mga turista mula sa Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, at Malaysia.
Una nang kinumpirma ng DOT, na umaabot na sa mahigit 4-million na mga turista ang dumating sa bansa mula Enero hanggang September ng taong ito.
Facebook Comments