Mga turistang Hapones na stranded sa Pilipinas, naka-alis na rin sa Cebu

Nakabalik na rin ng Japan ang mga turistang Hapones na naipit sa COVID-19 lockdown sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Mula Mactan-Cebu International Airport, lumipad patungong Narita, Japan ang eroplanong sinakyan ng Japanese nationals.

Mismong ang Department of Foreign Affairs (DFA) Cebu Consular Office frontliners ang nanguna sa pag-asikaso sa evacuation ng mga Hapones.


Patuloy naman ang pagtanggap ng DFA ng tawag mula sa foreign embassies sa bansa para sa pagproseso sa pagpapa-uwi ng iba pang nationals na naipit sa lockdown sa Pilipinas.

Facebook Comments