Mas hinigpitan pa ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang screening sa lahat ng mga paalis ng bansa hindi lamang ang mga patungong China, Macau at Hong Kong.
Sinabi ng BI na hindi na rin nila papayagan ang mga Pinoy Tourists na bumiyahe patungong Jeju, South Korea dahil narin sa banta ng 2019 Novel Coronavirus (2019 nCoV).
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, ipatutupad ang bagong polisiya sa travel ban kasunod na rin ng abiso sa kanila ng Korean embassy sa Maynila na pansamantalang sinususpinde nito ang visa free entry ng mga Pinoy sa Jeju Island.
Sinabi ni Medina na nagbigay na sila ng kautusan sa lahat ng kanilang immigration officers na huwag papayagan ang sinomang Pinoy na makalipad patungong Jeju maliban kung mayroon silang visa mula Korean embassy.
Inanunsyo ng Korean embassy ang suspsensyon nito ng visa free entry sa Jeju, matapos kumpirmahin ng Health Authorities ng Korea ang unang kaso ng nCoV doon
Sinabi ng Immigration na hindi lang naman mga Pinoy ang pinagbabawalan ng Korean government na makalipad patunong Jeju kundi maging ang ilang mga dayuhang turista.