Mga Tutol sa Rice Tarrification Law, Kartel o mga Bayaran ng mga kartel! Ayon kay Sen.Cynthia Villar

Cauayan City, Isabela- Binatikos ni Sen.Cynthia Villar ang mga tutol at mga naninira sa kanya kaugnay sa bagong batas na R.A 11203 o Rice Tarrification Act.

Ayon sa kanya malaki ang magagawa ng batas na ito upang matulungan ang mga maliliit na magsasaka dahil ang buwis na malilikom ng gobyerno sa mga mag angkat ng bigas ay diretso sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng mga makabagong makinarya,pagbili ng mga binhi at fertilizer na ipagkakaloob sa mga magsasaka,murang pautang sa mga ito at higit sa lahat ang mga kaalaman na ituturo sa mga magsasaka upang mapayabong pa ang kanilang sakahan.

“Maaring sila ang Kartel o bayaran ng mga kartel kaya sila tutol dito sa batas dahil mawawalan sila ng kita”.Ayon kay Sen.Villar.


Umalma din ang senadora sa pagbansag sa kanya bilang Anti Poor Farmer dahil sinisiguro naman umano nito na ang makikinabang sa rice tarrication law ay mga maliliit na na magsasaka handa nitong kasuhan ang mga opisyal at kawani na magsasamantala at magpapabaya sa kanilang mga tungkulin sa pagpapatupad ng nasabing batas lalo na ang kagawaran ng pagsasaka (D.A)

Samantala, sa pagharap nito bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Women’s Month ng lungsod ng Cauayan hinimok ni Sen. Villar ang mga kababaihan na palakasin ang samahan ng mga ito upang tulungan ang kanilang mga asawa upang mabilis na maiangat ang kabuhayan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanilang pag aaral sa mga livelihood programs na kanyang isunusulong at nangako rin ang naturang opisyal na bibigyan nito mga kababaihan ng alternatibong pagkakakita upang makatulong sa kanilang pamilya.

Facebook Comments