Mga ulat na may ilang media personalities na sangkot sa ilegal na droga, dapat munang beripikahin

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala silang natatangap na ulat na may ilang media personalities ang sangkot sa ilegal na droga.

Una nang lumabas sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may ilang miyembro ng media ang kasama sa 12,000 high value targets.

Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, ikinukunsidera nilang ‘raw information’ ang mga ulat.


Makikipag-ugnayan sila sa PDEA para maberipika ang impormasyon.

Matatandaang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang mga impormasyon sa listahan ay pwede lamang maibahagi sa ‘on-need basis’

Aminado si Aquino, bilang Anti-Drug Chair na wala siyang full access sa listahan na hinahawakan ng Intelligence Units.

Facebook Comments