Mga umano’y nagugutom na residente ng Purok San Roque Brgy. Bagong Pagasa, nagbarikada sa QC

27

Nagbarikada ang mga residente ng Purok San Roque Brgy. Bagong Pagasa sa bahagi ng North EDSA sa Quezon City upang iprotesta ang hindi pagbibigay sa kanila ng relief goods mula sa pamahalaang lungsod.

Bitbit nila ang mga plakard na nagpapakita na nagugutom sila.


Ayon sa kanila, mula noong unang araw na ideklara ang lockdown ay hindi man lang sila binisita ng pamahalaang lokal.

Balak na nga nila magdikit ng mga slogan na may mas mga matitinding mensahe.

Matapos ang matagal na pakiusapan, nagpasiya ang Quezon City Police District (QCPD) na pagdadamputin na ang mga residente dahil nalalabag na ang ipinaiiral na social distancing.

Facebook Comments