DTI, isinusulong ang mas mahabang oras sa mga grocery at supermarkets

16

Upang makaiwas sa pagkukumpul-kumpulan ng mga tao sa mga grocery store at supermarkets

Inirekumenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) na pahabain pa ang operating hours ng mga nabanggit na establishemento ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang pagpapalawig sa store hours ng mga supermarkets ang nakikita nilang paraan upang maibsan ang mahahabang pila sa nga pamilihan.

Sinabi ni Lopez na kahit hindi naman tulad ng dati ang operating hours ng mga grocery at supermarkets ang importante, aniya, ay mas mahaba-habang oras para mas maraming oras na makapamili ang ating mga kababayan ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Facebook Comments