MGA UMUUWING PANGASINENSE MULA MANILA, MARAMI PA RIN ; MGA PAAKYAT NG BAGUIO, DAGSA RIN

Marami pa rin ang humahabol na Pangasinense mula Manila na humabol sa pag-uwi makasama lamang ang pamilya ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Puno pa rin ng mga biyahero ang mga bus na dumarating sa mga terminal sa Dagupan City galing Manila.

Ilang bus papunta sa ibang lalawigan mula sa Dagupan ang puno rin partikular ang mga byaheng paakyat ng Baguio maging ng mga bus papuntang Cagayan at Isabela.

Nakaalalay din ang hanay ng kapulisan sa pagbabantay sa mga terminal upang masiguro ang kaligtasan ng mga byahero.

Regular din ang monitoring ng Land Transportation Office upang masiguro naman ang kaayusan ng mga pampasaherong bus.

Inaasahan na dadagsain lalo ang mga bus terminals sa January 1, kung saan balik trabaho na ang karamihan sa mga nagbakasyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments