Mga unang awardee ng pabahay sa Pandi, Bulacan – prayoridad pa rin ng National Housing Authority

85

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Housing Authority (NHA) na hindi mawawalan ng housing units ang mga naunang awardee ng pabahay sa Pandi, Bulacan na inokupa ng mga miyembro ng Kadamay.

 

Ito ay kahit nagpasya ang NHA na hindi na muna ipatutupad ang eviction notice sa Kadamay.

 

Ayon kay NHA Spokesperson Elsie Trinidad, magkakaroon naman ng profiling at prayoridad pa rin ang mga ito lalo na yung mga nakapagbayad na.

 

Karamihan sa mga unit na inokupahan ng Kadamay sa Pandi, Bulacanay nakalaan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police.

 

 

Sinigurado rin ng NHA na hindi mawawalan ng pabahay ang mga ire-relocate sa Pandi na mula sa Metro Manila at dating nakatira sa itinuturing na danger zones.


Facebook Comments