NPA, nagsagawa ng lightning rally sa Cubao bilang paggunita sa kanilang ika-48 na anibersaryo

48

Manila, Philippines – Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng New People’s Army kaninang umaga sa Cubao, Quezon city bilang paggunita sa kanilang ika-48 na anibersayo.

 

Mahigit 100 katao ang pumunta at gumawa ng kilos protesta sa intersection ng EDSA at Aurora Boulevard.

 

Kasabay nito ay nanawagan ang komunistang grupo sa mga Pilipino na umanib sa NPA at maipagpatuloy muli ang peace talk.

 

Sa darating na Miyerkules, March 29 ay ipagdiriwang ng grupo ang kanilang 48th anniversary.



Facebook Comments